Simula

“Kung alam ko lang na mangyayari ‘to,
hindi na dapat ito nagsimula,” sabi mo sa akin.
Sinubukan kong balikan ang lahat ng nangyari
Sinubukan kong alalahanin kung paano nagsimula

Kung paano mo sinabi sa akin na ayaw mong mag-abang
Kung paano mo sinubukan makagusto sa iba,
ngunit ako pa rin ang iyong hinangad at pinili

Kung paanong hindi natin napigilan
maging masaya kapag tayo’y magkasama
Kung paanong hindi napigilan maglahad
ng pagmamahal sa isa’t isa

Kung paanong naging maaraw ang mundo
kahit na may kanya kanyang kadilimang tinatago
kahit na alas-dose na ng gabi, sa paningin natin
ay alas-otso pa lang ng umaga

Sinubukan natin balikan ang lahat ng nangyari
Kung paano tayo naniwala sa siklab ng ating puso
Kung paano natin ginusto na tayo’y hanggang dulo

Sinubukan natin alalahanin kung paano nagsimula
Kung paano tayo nagbingi-bingihan sa suway ng iba
Kung paano natin pinaglaban ituloy ito, kahit
na bumubulong na ang hangin
na itigil na

Sinubukan nating balikan ang simula, bago pa mag-umpisa
ang lahat ng ito. Bago pa kita makilala. Nagbingi-bingihan ka
sa bulong ng hangin.

Hindi na dapat nangyari na magsisiklab ang ating puso,
na gugustuhin natin makaabot hanggang dulo.
Hindi na dapat natin naramdaman ang init
ng araw sa gabing malamig.
Hindi na dapat natin nalaman na kaya
nating maging masaya sa pagmamahal ng isa’t isa.
Hindi mo na dapat ako hinintay, hinangad at pinili.

Kung paano nagsimula, sinubukan kong alalahanin
Ang lahat ng nangyari, sinubukhan kong balikan
Sabi ko sa’yo, “Hindi dapat ‘to nagsimula, pero nangyari ito.”

 

At tayo ay nagpatuloy.


Para kay Georg F.
Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s