Lihim ng Gabi

Ang gabi ay puno ng lihim.

Nakakandado ang mga pinto
Nakatakip ang mga bintana

Sarado na
ang simbahan sa kanto
Nakapatay na
ang mga ilaw
Natutulog na
ang mga santo
Tayong dalawa na lang
ang gising

Malapit na rin tayong tamaan ng antok
Kailangan na nating makauwi
sa sari-sariling tahanan
Ang ating mga kamay
ayaw bumitiw, ramdam na ramdam
ang pag-udyok ng oras —

kailangan

nang

maghiwalay.

Ano pa nga ba ang sasabihin?

Binuksan mo ang pinto
at bumaba sa kalye
Binaba ko ang aking mga bintana
at muling sinulyapan ka.

Paalam

Papalayo pa lang ako
nang marinig kong walang hiya
mong binulabog
ang katahimikan:

Iniibig kita

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s