Pagbisita

Noong naghiwalay tayo, araw-araw kong pinuntahan
ang Montmarte Ridge, kung saan mong unang hinawakan
ang aking kamay. Doon mo sinabi sa akin na huwag
pansinin ang mga pintas ng mundo, dahil hindi naman
nila alam kung ano ang mayroon tayo.

Araw-araw akong pumunta doon, dahil hindi ko
maintindihan kung bakit tayo naghiwalay. Saan ba
tayo nagkamali? Ngunit tuwing binabalikan ko ang lahat,
iisa lang ang lumilitaw na sagot: na tayo ay nagkamali
nang nagdesisyon tayo habang wala ang buwan.

Sinulatan kita para iparating
ang mga mungkahing ito sa ‘yo:
na hindi pa tayo tapos
na may pag-asa pa tayo
na kahit pinintasan tayo ng mundo,
hindi nila alam ano ang mayroon tayo.

Araw-araw akong naglalakad papunta doon,
nagbabakasakaling makita ka. Agad-agad
akong lumilingon ‘pag nakakarinig ng mga yapak.
Ikaw na nga iyon,
sana.

Ngunit nagdaan ang isang buwan, ni anino mo
hindi ko nakita. Nabalitaan ko na lang na
matagal ka na palang lumipat ng tirahan.
Sa iba ka na pala umuuwi.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s